Si Kali ay hindi ang tipikal na dyosa sa atin, na supernatural ang ganda at kapangyarihan. Nakakatakot ang kanyang itsura sa mga rebulto. Siya ay nakahubad at sing-itim ng uling ang kanyang balat. Naka-bukas ang kanyang labi at makikita ang matutulis na pangil and mahabang dila na pulang-pula sa dugo. Ang tanging suot niya ay ang kuwintas na yari sa maraming bungo ng tao.
Apat ang kanyang mga balikat at kamay. Sa kaliwang banda, isang kamay ang may hawak ng putol na ulo ng tao, at ang kamay sa ilalim nito ay may mangkok para masalo ang tumutulong dugo mula sa ulong pugot. Sa kaliwang banda, isang kamay ang may hawak na espada at ang isa naman ay puno ng dugo. Nakatapak ang kanyang mga paa sa namumuting bangkay, na sa maraming depiksyon ay ang kanyang asawang si Shiva (na mabubuhay ulit).
Sa kabila ng pang-horror na itsura, hindi siya nakakatakot para sa mga deboto. Siya ang pinaniniwalaang may kapangyarihan na makatanggal ng takot at makapagbibigay ng kapayapaan. Puro patay ang kanyang mga simbolo, para ipaalala sa atin na ito rin ang huling hantungan ng mga mortal.
Artistic depiction from Vineet Aggarwal
Hambal gani sang philosopher sa Ecclesiastes, Ecclesiastes 12:1-8-Death, an Impetus for Life.
ReplyDeleteEcclesiastes in the best reminder of our mortality. "Everything is useless!"
Delete